PAGPAPATUPAD NG TRAPIKO, PINAGHAHANDAAN SA NAKATAKDANG REHABILITASYON NG DALAWANG KALSADA SA MANGALDAN

Pinaghahandaan na ang pagpapatupad ng trapiko sa Mangaldan kaugnay ng nakatakdang rehabilitasyon at pag-upgrade ng Serafica Street at Estayo Street sa Barangay Poblacion, ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan kahapon, Marso 23, 2026.

Matatandaang noong Marso 17, nauna nang nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng pre-construction conference meeting kasama ang mga kontraktor at kaukulang service providers upang pagplanuhan ang proyekto.

Inilatag sa pulong ang basic project profile, location map, relocation plan, at iskedyul ng konstruksyon para sa mga maaapektuhang lugar.

Dumalo sa naturang pulong ang mga opisyal ng Barangay Poblacion at Salay, pati na ang mga traffic enforcers ng Public Order and Safety Office (POSO), bilang paghahanda sa implementasyon ng proyekto.

Ayon sa ulat, sisimulan ang konstruksyon ng dalawang kalsada sa lalong madaling panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments