Tinatalakay na ng Department of Health (DOH) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posibleng pagpapatupad ng temporary ban sa mga biyahero mula sa India.
Kasunod ito ng pag-spike ng kaso ng COVID-19 sa India na isinisisi sa natuklasang variant sa nasabing bansa.
Ang Indian variant ay itinuturing na “double mutant” na mabilis makahawa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, layon ng planong pagpapatupad ng travel restriction laban sa India na maiwasan ang pagkakat ng variant sa bansa.
Sinabi ni Vergeire na ang nasabing variant ay unang na-detect sa India noong Oktubre ng nakaraang taon
Wala pa naman aniyang kaso nito na naitala sa Pilipinas pero tinitingnan na ng DOH ang kanilang records para ma-verify kung talagang wala pang naitalang Indian variant case sa Pilipinas.