Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang epektibong pagpapatupad ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS sa naging speech nito sa opening Ng ASEAN-EU Commemorative Summit.
Ayon sa presidente, sa pamamagitan nito ay matutugunan ang maritime disputes maging ang geopolitical rivalry sa Indo-Pacific para maabot ang minimithing maging isa itong sea of peace.
Parte aniya ito ng tatlong prayoridad para sa mas matatag na kooperasyon sa ASEAN-EU region na nasa ilalim ng matibay na maritime cooperation.
Giit naman ng pangulo sa usapin ng climate change mitigation ay kailangan ay sama-samang paglaban o united effort at ang mga aksiyon ay dapat nang gawin ngayon.
Facebook Comments