Pagpapatupad ng war on drugs base sa kagustuhan ni PBBM, paiiralin ng PNP

Tatalima ang Philippine National Police (PNP) sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa laban kontra ilegal na droga.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., susunod lamang ang Pambansang Pulisya sa kagustuhan ng pangulo na tutukan ang rehabilitasyon at drug awareness.

Ito ay base narin sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nuong Lunes.


Kasunod nito, nagpahayag ng kumpyansa ang PNP chief na maibabangon ang imahen ng PNP sa pagtanggap ng pangulo ng courtesy resignations ng ilan nilang matataas na opisyal na may kaugnayan umano sa iligal na droga.

Aniya, magsisilbi itong eye opener na seryoso ang PNP sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin at linisin ang kanilang hanay.

Kung maaalala, inanunsyo ng pangulo sa kanyang SONA ang pagtanggap sa pagbibitiw ng 18 third-level officers ng PNP na isinasangkot sa iligal na droga.

Kabilang na dito ang tatlong police general at 15 police colonel.

Facebook Comments