Sinimulan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-iinspeksyon sa pagpapatupad ng zero balance billing sa mga DOH hospitals.

Ngayong umaga, bibisita ang Pangulo sa East of Avenue Medical Center sa Quezon City.

Ito’y para personal na alamin kung epektibo ba ang sistemang ipinatutupad sa naturang programa ng pamahalaan.

Kahapon ay personal ding binisita ng Pangulo ang Eastern Visayas Medical Center.

Ayon kay PBBM, sa ngayon ay kuntento siya sa pagpapatupad ng programa pero dapat na mailatag ang maayos na sistema na una na niyang inanunsiyo sa kanyang huling SONA.

Facebook Comments