PAGPAPATUPAD SA 21-DAY MANDATORY QUARANTINE PARA SA MGA NAG-POPOSITIBONG COVID-19 PATIENTS SA PANGASINAN, PINABULAANAN NG PHO

Pinabulaanan ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office ang mga kumakalat na balitang ipapatupad umano ang 21-day quarantine para sa mga kumpirmadong nagpopositibo sa sakit na COVID-19.

Sa interview ng iFM Dagupan kay Dr. Anna Maria De Guzman, PHO Officer, sinabi nitong hindi umano totoo ang kumakalat na impormasyong ipapatupad ang 21-day quarantine sa mga nag popositibo sa sakit.

“Atin pong pinabubulaanan ang napabalitang na mayroon po tayong mandatory quarantine or isolation requirement sa probinsya ng Pangasinan na 21-days na para sa mga confirmed COVID-19 cases sa probinsiya. Ito pong 21-days mandatory or isolation na requirement po natin ay para po doon sa mga Delta Variants na maitatala po na cases sa probinsya ng Pangasinan. Matapos po ang 14-days na Isolation, hangad po namin na madagdagan ng pitong araw pa po yung kanilang pag a isolate dahil hinihintay po natin ang resulta ng kanila pong Genome Sequencing na repeat na galing po sa ating pong National Centers.”


Ang naging pahayag ni Doctora Anna Maria De Guzman ng Pangasinan Provincial Health Office.

Samantala, sa pinakahuling datos ng PHO as of October 7, mayroong 41 na indibidwal ang tinamaan ng COVID-19 Delta Variant sa Pangasinan, 14 ang under investigation at tatlo naman ang nasawi.

Facebook Comments