Pagpapatupad sa bagong curriculum ng K-12 program, posibleng abutin ng 2 hanggang 3 taon

Sa budget briefing ng Kamara ay inihayag ni Education Undersecretary Ernesto Gaviola na nagsasagawa na ang Department of Education o DepEd ng pag-aaral at pagrepaso sa curriculum ng K-12 program.

Binanggit naman ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte – Carpio na ang magiging revised curriculum ng K-12 program ay maipapatupad sa loob ng 2 hanggang 3 taon.

Sabi ni VP Sara, ang inisyal na resulta ng pag-aaral hanggang sa curriculum ng grade 10 ay naiprisenta na sa management at executive committee bago ilahad sa national government at privadong sektor.


Ayon kay Duterte, ganito rin ang prosesong dadaanan ng pagrepaso sa curriculum ng grade 11 at 12.

Diin ni Duterte, ang pagrepaso sa curriculum ay ibabahagi sa iba’t ibang sektor para makuha ang kanilang panig at mga rekomendasyon para mapagbuti ang K-12 curriculum.

Facebook Comments