Pagpapaturok laban sa COVID-19, 1 hanggang 2 beses kada taon, posibleng gawing option para mapanatili ang proteksyon

Maaaring gawing kada taon o dalawang beses sa isang taon ang bakuna para mapanatili ang proteksyon laban sa malalang kaso ng COVID-19.

Sinabi ito ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, sa harap ng pagkawala na ng bisa ng bakuna matapos ang anim hanggang walong buwan.

Ipinaliwanag ni Solante na kapag kasi tumagal na ng hanggang walong taon ang bakuna laban sa COVID-19 ng isang indibidwal, bumababa na ang proteksyon nito.


Hangga’t may COVID-19, sinabi ni Solante na may posibilidad pa ring tumaas ang mga kaso kaya may pangangailangan talaga ng patuloy na proteksyon para maiwasan ang panibagong mutation.

Kaya pwede aniyang gawing option ang bakuna isa hanggang dalawang beses kada isang taon.

Facebook Comments