Pagpapaunlad ng air transport sa ilalim ng post-pandemic recovery, tiniyak ng PAL

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) na ipagpapatuloy nito ang paglilingkod sa air transport at pagsuporta sa bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nangako rin ang nasabing airline na makipagtulungan sila sa bagong administrasyon sa muling pagbuhay sa air travel sa panahon ng post-pandemic recovery na may pamantayan sa kaligtasan ng kanilang serbisyo.

Ayon sa PAL, tulad ng dati sila pa rin ang pinakamalakas na kaalyado ng gobyerno para sa pagpapaunlad ng lokal aviation industry mula pa noon sa loob ng walong dekada.


Nagpaabot naman ng pagbati ang PAL kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr. at Bise Presidente Sara Duterte-Carpio sa kanilang pormal na panunungkulan na hudyat ng pagsisimula ng bago at maaasahang administrasyon.

Facebook Comments