Pagpapauwi ng mga LSIs sa Western Visayas, Iligan at Lanao del Sur, inihinto muna

Pansamantalang inihinto ang mga byahe ng Locally Stranded Individuals (LSIs) patungong Western Visayas, Iligan City at Lanao del Sur.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kasunod ng hiling ng Local Government Units (LGUs) ng mga nabanggit na lalawigan.

Una nang isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Iligan City at Lanao del Sur hanggang September 30.


Habang ni-require naman ng mga opisyal sa Western Visayas ang mga residente kabilang na ang mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs) na sumailalim sa quarantine at COVID-19 testing.

Nanawagan din ang mga LGUs sa rehiyon na isuspinde ang pagpapauwi ng LSIs para makapagpahinga ang kanilang mga health personnel at para maghanda ng isolation facilities.

Facebook Comments