Pagpapauwi ng mga OFW na naipit sa Sudan, gagawing by batch na lamang

Hinati kada grupo ang gagawing repatriation ng gobyerno, sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naiipit sa kaguluhan sa Sudan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hahatiin nila by batch ang pagpapauwi ng nasa 340 na OFWs.

Ngayon araw ay aasahan ang pagdating ng 80 OFW lulan ng Saudi Airlines, habang sa Mayo 4 ay mayroong dagdag naman na 72.


Makakasama nilang uuwi sa bansa si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio.

Pinasalamatan naman ng ahensiya ang gobyerno at ilang private companies na tumulong, para sa agarang pagpapalikas ng mga OFW na nasa Sudan.

Facebook Comments