Pagpapauwi sa ina ng dalawang menor de edad na inatake ng kanilang ama sa Maguindanao, inihahanda na ng OWWA

 

Nakahanda na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagpapauwi sa ina at Overseas Filipino Worker (OFW) kasunod ng pag-atake sa dalawa nitong anak sa Parang, Maguindanao del Norte.

Ayon sa OWWA, magbibigay sila ng kinakailangang tulong sa ina nina Asrap, 9 years old at Bai, 14 years old kabilang ang agarang pagpapauwi nito mula sa Kingdom of Saudi Arabia.

Kung maaalala, nangyari ang insidente ng pananaksak ng kanilang ama na si Adjis Sanday Ayob sa kaniyang anak hanggang sa mamatay ito habang sugatan naman ang anak na babae nito.


Nasawi si Asrap habang patuloy na nagpapagamot ang kapatid nitong si Bai sa ospital.

Sa ngayon, nakakulong na ang ama ng biktima at suspek sa pagpaslang sa Parang Municipal Police Station.

Facebook Comments