Sasagutin ng pamahalaan ang pagpapauwi sa labi ng Filipino laywer na si John Albert “Jal” Laylo na biktima ng gun attack sa Philadephia sa Amerika.
Ito ay kinumpirma ng kaniyang ina na si Leah Bustamante Laylo kung saan nakatakdang ilipad pabalik sa Pilipinas sa susunod na linggo ang mga labi ng kaniyang anak.
Samantala, nanawagan naman si Leah sa mga awtoridad ng Amerika na bilisan ang imbestigasyon at mahuli agad ang salarin sa pamamaril.
Sa ngayon, sinisilip ng mga awtoridad ang road rage o random shooting bilang motibo sa pamamaril at pagkamatay ng naturang biktima.
May hawak na rin ng security video ang mga awtoridad at patuloy hinahanap ang isang itim na Maxima Nissan na namataang umalis sa lugar nang maganap ang insidente.
Si Laylo ay nagsilbing abogado nina dating Senator Mar Roxas II at Senator Leila de Lima.
Naatasan rin siyang offical counsel ni outgoing Vice President Leni Robredo sa kakatapos lang na eleksyon.