Thursday, February 5, 2026

Pagpapauwi sa labi ng isa sa mga biktima ng hit-and-run sa Tabuk City sa KSA, pinamamadali na ng DMW at OWWA

Pinamamadali na ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagproseso ng mga dokumento.

Ito’y upang mapadali ang agarang pagpapauwi sa mga labi ng overseas Filipino worker (OFW), na kabilang sa mga biktima ng hit-and-run sa tabuk City sa Jeddah.

Ayon sa mga ahensya, patuloy nilang sinusubaybayan ang kalagayan ng mga nasugatang nurse at nananatiling nakatuon sa pagbibigay ng buong suporta sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

Isa rin sa mga nasugatang nurse ay inilipat sa Riyadh para sa karagdagang medical treatment at operasyon.

Matatandaang pauwi na ang tatlong nurse mula sa Tabuk Park Mall habang tumatawid sila sa kalsada.

Nang may biglang may humaharurot na sasakyan at sinagasaan ang mga biktima saka tumakas ang salarin, pero naaresto ito matapos mahabol ng ilang nagmamalasakit na motorista nang mangyari ang aksidente.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek, habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Facebook Comments