Manila, Philippines – Hiniling ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz ang agad na pagpapauwi sa OFW na binitay sa Saudi Arabia.
Ayon kay Bertiz, nakipag-ugnayan na sila sa embahada ng Pilipinas sa Saudi para agad na maiuwi ang labi ng OFW na hinatulan ng kamatayan sa nasabing bansa.
Iginiit ng kongresista na dapat mabigyan agad ng disenteng libing ang OFW.
Kinalampag din Bertiz ang pamahalaan na bigyang pansin din ang mga problema at isyung kinakaharap ng mga OFWs sa ibang bansa upang maiwasan ang tulad sa kinahantungang pagbitay sa OFW.
Sinabi pa ni Bertiz na magsilbing babala sa gobyerno ang nangyari sa OFW at huwag lamang sumentro sa problema sa deployment ng mga OFWs sa Middle East.
Facebook Comments