Pagpapauwi sa mga LSI at returning OFWs sa Iloilo City, sinuspinde

Suspendido muna ang pagpapauwi ng mga Locally Stranded Individual (LSI) at returning Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iloilo City matapos itong isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa interview ng RMN Manila kay Mayor Jerry Treñas, nakitaan nila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa panig ng mga LSIs at returning OFWs.

Dahil dito, isang linggo munang hindi magpapapasok ng mga LSI at returning OFWs sa Iloilo City para mabigyan ng pagkakataon ang lokal na pamahalaan na matugunan ang tumataas na kaso ng sakit.


Hindi naman magpapatupad ng border controls sa lungsod para hindi maapektuhan ang mga nagnenegosyo.

Tuloy rin ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon basta’t masusunod ang one meter physical distancing rule.

Facebook Comments