
Inihain nina Representatives Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list at Renee Louise Co ng Kabataan Party-list ang House Bill 1272 o panukalang batas na layuning mapawalang-bisa o maibasura ang Anti-Terrorism Act of 2020.
Giit nina Tinio at Co, sa loob ng limang taon ay ginamit lang ang Anti-Terror Law bilang sandata laban sa mga kritiko, aktibista, mamamahayag, guro, mag-aaral, indigenous people, at iba pang pangkaraniwang mamamayan na nais lamang maglahad ng katotohanan.
Diin pa nina Tinio at Co, pinahintulutan din ng batas ang pwersa ng gobyerno na i-red tag, matyagan, abusuhin, ikulong, at patayin ang ilang indibidual at itinuring din nitong krimen ang lehitimong panawagan para sa hustisya, kalayaan at tunay na pagbabago.
Ayon kina Tinio at Co, ang Anti-Terror Law ay salungat sa prinsipyo ng demokrasya at karapatang-pantao kaya dapat na itong ibasura upang maprotektahan ang mga pangunahaing karapatan ng taumbayan.









