Pinagtibay ng Supreme Court ang desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division na nagpapawalang-sala kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kasong graft kaugnay ng NBN-ZTE deal.
Sa 13-pahinang resolusyon ng Supreme Court Third Division, dinismiss ang apila ng Ombudsman na kumukwestyon sa naging hatol ng anti-graft court noong August 8, 2016 at November 7, 2016.
Ayon sa Korte Suprema, wala silang nakitang merito kaya kinatigan nila ang pagpapawalang saysay sa apela.
Nabigo rin anila ang prosekusyon na mapatuyanang may direktang kinalaman si Arroyo sa mga anomalya sa NBN-ZTE deal.
Sinabi pa ng Supreme Court na nilalabag din ng petisyon ang Constitutional rights ni Ginang Arroyo laban sa prinsipyong double jeopardy.
Sa nasabing petisyon, ang kinukwestyon lang anila ay ang pagkakamali ng hatol at hindi ang pagkakamali sa hurisdiksyon.
Nangangahulugan ito na ang apela ay taliwas sa sinasaad sa Saligang Batas, sa rule of court at sa mga naging desisyon na, o jurisprudence ng korte.