
Para kay Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña, isang malaking kalokohan ang pagpapawalang-sala ng Sandiganbayan kina Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, kanyang chief of staff na si Atty. Gigi Reyes, Janet Lim Napoles, at iba pa sa mga kaso kaugnay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Giit ni Cendaña, ito ay isang hamon sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad mapanagot ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Diin pa ni Cendaña, dapat ding maibalik ang ninakaw na pera ng taumbayan na inilaan sa mga maanomalyang mga proyekto.
Ayon kay Cendaña, dapat matiyak na hindi na mauulit sa flood control scam ang kinahantungan ng PDAF scam.
Muli ring isinulong ni Cendaña na pagtibayin ang Open Bicam and Open Infra Bill para mabantayan ang pondo ng taumbayan at matigil na ang pagnanakaw ng mga tiwali.









