Thursday, January 15, 2026

Pagpapawalang-sala sa aktibistang si Amanda Echanis, patunay na dapat buwagin ang NTF-ELCAC

Para sa mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc, napatunayan ngayon na dapat ng buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos ipawalang sala ng korte ang aktibistang si Amanda Echanis na limang taong nakulong.

Giit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, lumilitaw ang tunay na gawain ng NTF-ELCAC gayundin ng Sandatahang Lakas at Pambansang Pulisya na mag-imbento ng mga ebidensya at magsampa ng mga walang batayang kaso laban sa mga aktibista.

Sabi naman ni House Assistant Minority Leader at Kabataan Party-list Rep. Renee Co, malinaw ngayon na pahamak lang ang dala ng NTF-ELCAC at dapat na itong buwagin at ilipat ang pondo sa direktang serbisyo sa mamamayan.

Binanggit naman ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Representative Sarah Elago na bukod kay Echanis ay marami pang mga political prisoner ang nakakulong ngayon dahil sa paninindigan nila para sa karapatang pantao.

Facebook Comments