Sinisilip na ng Commission on Higher Education (CHED) na isama ang mga estudyante sa mga prayoridad ng pamahalaan sa pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, umaasa siyang maipupursige ito para maraming unibersidad at programa ang payagang makapagsagawa ng limited face-to-face classes.
Mahalagang mabakunahan ang faculty members at mga estudante na nagsasagawa ng limited face-to-face classes para sila ay maprotektahan.
Kapag naging maganda ang takbo ng limited face-to-face classes ay agad niyang ire-report ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod dito, balak din ng CHED na palawakin ang limited face-to-face classes sa iba pang degree programs na nangangailangan ng hands-on activities tulad ng engineering, information technology, maritime programs, veterinary medicine, at industrial technology.
Mula nitong July 4, nasa 93 higher educational institutions (HEIs) sa bansa ang naisyuhan ng authority na magsagawa ng limited face-to-face classes.