PAGPASA NG COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION BILL, KAILANGANG MAGING MABISA – CONSTITUTIONAL LAWYER

Naniniwala ang isang constitutional lawyer na kinakailangang maging mabisa at sigurado ang mga mambabatas sa pag-aakda, pagpapanukala at pagpapasa ng mga batas.

Sa ekslusibong panayam ng IFM NEWS Dagupan kay Atty. Vien Lawrence Gabato ukol sa gumugulong na pagtalakay sa SB 1979, ang Comprehensive Sexuality Education o ang Teen Pregnancy Prevention Bill ay kailangan umanong pagbutihin ang mga inihahaing batas upang maging buo o tiyak ito at maiwasan ang anumang hindi kasiguraduhan.

Iginiit nito ang umiiral pang Reproductive Health Bill na saklaw pa naman umano ang ilan sa mga probisyon na nakalagay sa CSE ngayon.

Kaugnay ng isyu, nauna nang inihayag ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagpapaalis nito at pagpapalit dapat umano ng Reproductive Health Education.

Samantala, layon ng naturang senate bill ay ang pinaniniwalaang isa sa susi upang matugunan ang lumalalang kaso ng teenage pregnancy sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments