Binigyang diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na walang personalan at trabaho lang ang pagpasa ng House of Representatives sa House Bill 9710 o panukalang bawiin ang prangkisa ng Swara Sug Media Corporation na na nag-ooperate sa ilalim ng business name na Sonshine Media Network International o SMNI.
Paliwanag ni Romualdez, ang hakbang ng Kamara sa SMNI ay paggiit sa integridad ng broadcasting standards at tiwala ng sambayanan.
Binanggit din ni Romualdez na ilang beses na nagdaos ng pagdinig ang House Committee on Legislative Franchises ukol sa alegasyong paglabag ng SMNI sa legislative franchise nito.
Paalala ni Romualdez, ang pagkakaroon ng prangkisa ay isang “special privilege” na may kaakibat na karapatan at tungkulin, na dapat na tuparin nang ligal at wasto.