Hindi na nasupresa ang Commission On elections (COMELEC) matapos ipasa ng Kamara sa pinal na pabasa ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK Elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, binagalan na nila ang mga paghahanda sa nalalapit na Barangay Elections sa 2020 dahil inasahan na nila ang pagpasa nito sa mababang kapulungan.
Umaasa ang Poll Body na makakapagsagawa ulit sila ng Voter Registration.
Sa ilalim ng House Bill 4933, i-u-urong sa Disyembre 2022 ang nakatakdang May 2020 Barangay at SK Elections.
Nakalusot na ang Counterpart Measure nito sa Senado.
Facebook Comments