Manila, Philippines – Pinatutsadahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino III ang kanyang hinalinhan na si dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ay dahil sa nangyari muli ang reenacted budget nang iluklok siya bilang lider ng Kamara.
Ayon kay Aquino – palaging naantala ang pagkakapasa ng pambansang pondo kapag sa ilalim ng pamamahala ni Arroyo.
Ipinagmalaki rin ni Aquino na hindi kailanman nade-delay ang pag-aapruba ng budget sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Kahit na mayorya ng mga mambabatas sa Karama at Senado ay kaalyado ng Duterte administrasyon, nabigo pa rin silang maipasa sa tamang oras ang 2019 national budget.
Iginiit ni Aquino na delikado na kapag reenacted budget palagi ang ginagamit.
Mahalagang mayroong opposing views sa ilang national issues kaysa palaging pabor sa kagustuhan ng administrasyon.