Pagpasa ng panukalang Media Workers’ Welfare Act, pinamamadali na sa Kongreso

Muling umapela sa Kongreso ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ipasa na ang proposed Media Workers’ Welfare Act para matulungan ang mga media workers.

Ayon kay PCOO Undersecretary Joel Egco, dapat bigyan ang media workers ng equal protection, security at benefits lalo na ngayong COVID-19 pandemic.

Aniya, media ang nagsisilbing tagapaghatid ng mga update tungkol sa COVID-19 outbreak sa kabila ng pagkalat nito.


Sa ilalim ng House Bill 2746 o ang Media Workers’ Welfare Act na inilatag noong July 2019, pagkakalooban ang media workers ng karagdagang insurance benefits mula sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS), kalakip ang death and disability benefits, at reimbursement ng medical expenses.

Facebook Comments