Pagpasa ng panukalang nagpapaliban sa Brgy. Elections, ginarantiyahan ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na ipapasa ng Senado ang panukala na muling magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections na nakatakda ngayong Oktubre.

Ayon kay Pimentel, pinag-usapan na nila ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Mauuna aniya ang Kamara na ipasa ang nabanggit na panukala at susunod itong ilulusot ng Senado sa sa buwan ng Setyembre.


Naniniwala si Pimentel na madali ng mailulusot ang panukala dahil sa pasya na manatili na lang ang kasalukuyang halal na opisyal ng barangay sa halip na magtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong brgy. leaders.

Facebook Comments