Manila, Philippines – Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpasa sa Security of Tenure Bill.
Sa ilalim ng panukala, aamyendahan nito ang labor code provisions patungkol sa labor-only contracting at iba pang kaparehas na arrangements.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – inatasan niya ang mga DOLE offices na magbigay ng technical assistance para sa isinusulong na panukala.
Aniya, isa ito sa priority legislative measures na certified urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakasaad sa panukala na lahat ng manggagawa, maliban sa mga nasa ilalim ng probationary employment ay mare-regular sa trabaho kabilang ang mga project at seasonal employees.
Sa ngayon, hinihintay na maaprubahan ito sa Senado.
Facebook Comments