Pagpasa ng Senado sa panukalang “fixed term” ng mga opisyal ng AFP makakatulong sa hanay ng militar ayon sa DND

Ikinatuwa ng pamunuan ng Department of National Defense (DND) ang pagkakapasa ng Senado sa Senate Bill 2376.

Ang hakbang na ito ay magbibigay ng “fixed term” sa mga senior officials’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa isang statement ipinagpasalamat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Senado na bumoto ng “unanimously” para aprubahan ang panukala.


Ayon sa kalihim, mahalaga ang panukala para matapos na ang “revolving door policy” sa liderato ng militar, o ang mabilis na pagpapalit ng mga pinuno ng AFP na inabutan na ng pagreretiro sa serbisyo makalipas lang ang ilang buwang panunungkulan.

Aniya, naniniwala siya na ang panukala ay magreresulta sa continuity, stability at accountability sa AFP at sisigurong ang mga pinaka-magagaling na tauhan ng militar ang maluluklok sa liderato ng AFP.

Facebook Comments