Pagpasa ng Site Blocking Law, makatutulong sa pagpapalakas sa PH digital economy — IPOPHL

Ang pagpasa ng isang site blocking law upang masugpo ang pirated content ay makabubuti sa ekonomiya ng bansa, ayon sa isang opisyal ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) sa presentasyon ng isang pagsasaliksik sa piracy situation ng bansa.

Ayon kay IPOPHL Director General Rowel Barba, ang site blocking law ay magpapatibay sa mga pagsisikap nito kontra piracy, na matagal nang pumipinsala sa creative industry ng bansa.

“Nevertheless, a law will institutionalize our site-blocking regime to create more outcomes, unlock the full potential of our creative economy, and protect our consumers from the alarming cyber threats of piracy sites. IPOPHL is still hopeful to see a site-blocking law passed soon,” sabi ni Barba.


Sa pagtaya ni Barba, ang Pilipinas ay magkakaroon ng $1 billion na revenue leakage sa 2027 kapag nagpatuloy ang suliranin sa online piracy.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kinukuha ng piracy ang 7.1 percent ng gross domestic product ng bansa.

Nagreresulta ito sa pagkawala ng kita ng bansa at kabuhayan, at nagbabanta ring magpasok ng malware sa mga device na gumagamit ng pirated content, na maaaring maging daan para sa scams.

Noong 2022, ang Pilipinas ay nawalan ng $700 million dahil sa piracy ng Filipino-made TV shows at movies, kung saan ang bansa ay pinangalanan bilang isa sa top consumers ng pirated content sa Asia, ayon sa YouGov 2022 Piracy Landscape Survey.

Sinabi rin ni Motion Pictures Association Senior Executive Vice President and Global General Counsel Karyn Temple na ang pagpasa sa site blocking law ay makatutulong upang malabanan ang piracy, kung saan 60 bansa na nagpasa ng naturang panukala ay nagpakita ng progresibong resulta.

“The enactment of site blocking legislation is the next key step towards protecting Filipino consumers, content creators, and the creative industry in the Philippines and around the world,” ani Temple.

Dalawang hiwalay na bills, ang Senate Bills 2150 at 2385, ang kasalukuyang nakahain sa Senado upang amyendahan ang IP code at alisin ang mga umiiral na limitasyon upang saklawin ang electronic at online content sa depinisyon ng pirated goods.

Facebook Comments