Pagpasa ng ₱9-B na supplemental budget para sa mapunan ang kulang sa pondo ng 4Ps, pinag-aaralan ng isang kongresista

Plano ni House Deputy Speaker and Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez na magsulong ng supplemental budget para mapuna ang ₱9 billion kakulangan sa budget ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay Suarez, kinapos ang pondo para sa 4Ps matapos tapyasan ni Sen. Imee Marcos ng ₱13 billion ng pondo nito na inilipat sa ibang social amelioration programs (SAPs).

Ang hakbang ni Suarez ay makaraang lumabas sa pagdinig ng House Committees on Public Accounts at Social Services na pinalipat umano ni Senator Marcos ang ₱13 billion sa CALAHISIDS, Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS at sa quick response to calamities.


Giit ni Suarez, ang 4Ps ay nakabatay sa isang batas kaya hindi maaring basta na lamang ilipat ang pondo nito patungo sa ibang amelioration program ng Department of Social Welfare and Development.

Dismayado si Suarez, na dahil sa naturang realignment ng pondo ay nasa ay nasa 843,00 mahihirap na pamilya o 4 milyong mahihirap na Pilipino ang hindi nakatatanggap ng kanilang ayuda sa ilalim ng 4Ps.

Facebook Comments