Pagpasa sa 2021 national budget sa takdang panahon, dapat tiyakin ng sinumang magiging House Speaker

Binigyang diin ni Senator Christopher Bong Go na karapatan ng mga kongresista na pumili ng magiging leader nila pero dapat hindi maisakripisyo ang pagpasa ng pambansang budget para sa susunod na taon.

Pahayag ito ni Go nang hingian ng komento ukol sa isyu ng Speakership sa Kamara sa pagitan nina Congressman Alan Peter Cayetano at Congressman Lord Allan Velasco.

Ayon kay Go, hindi dapat magkaroon ng reenacted budget dahil lalo itong magpapahirap sa sambayanan sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Iginiit ni Go na sa Disyembre ay dapat kasado na ang budget para mapirmahan din on time ni Pangulong Rodrigo Duterte at pagpasok ng January 1, 2021 ay tiyak ang pondo ng sambayanan.

Dagdag ni Go na ito rin ang gusto ng Pangulo na mangyari lalo at hindi katanggap-tanggap na ang taong bayan ang magdurusa sa hindi pagkakaintindihan sa House Speakership.

Facebook Comments