Pagpasa sa 2024 General Appropriations Bill, pinabibilisan ni PBBM sa Kongreso

Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kongreso ang pagpasa sa House Bill No. 8980 o ang 2024 General Appropriations Bill.

Ayon kay PBBM, ito ay para masiguro na mapopondohan ang iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno sa susunod na taon.

Batay sa liham na ipinadala ni Pangulong Marcos kay House Speaker Martin Romualdez na may petsang Setyembre 20, sinertipikahan ng presidente bilang urgent bill ang nasabing panukala.


Ayon sa pangulo na sa ganitong paraan ay masisigurong may pondong gagamitin ang gobyerno para epektibong magagampanan ang mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon.

Matatandaang inihayag ni Romualdez na mas maaga ang deliberasyon nila sa 2024 national budget kaya’t tiniyak niya na malalagdaan ng pangulo ang pambansang pondo bago mag-Pasko.

Facebook Comments