Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na madaliin ang pagpasa ng panukalang batas na layong ibaba ang corporate income taxes at i-rationalize ang fiscal incentives.
Ito ay ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE) o dating kilala bilang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act o CITIRA.
Sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), mahalaga ang panukalang batas para sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Tinatapyas nito ang corporate income levy mula sa kasalukuyang 30% patungong 25% at magbibigay sa pamahalaan ng flexibility sa pagbibigay ng kombinasyon ng fiscal at non-fiscal incentives.
Una nang sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang CREATE Bill ay itinuturing na stimulus measure.