Pagpasa sa ibang kumpanya ng serbisyo ng tubig, hindi dapat payagan. Gobyerno, dapat i-take over na ang water services

Iginiit ni Bayan Muna Partylist Rep. Ferdinand Gaite na napapanahon na muling kunin ng gobyerno ang kontrol sa serbisyo ng tubig sa bansa.

 

Naniniwala si Gaite na ang pag-take over ng pamahalaan sa serbisyo sa tubig ang nakikitang solusyon sa problema ngayon ng publiko sa mga water concessionaires.

 

Nababahala naman si Gaite sa gusto ni Pangulong Duterte na i-take over na lamang ng PrimeWater Infrastructure Corporationang suplay ng tubig sa Metro Manila.


 

Hiniling ng kongresista na pagisipan itong mabuti dahil hindi malayong pagkakitaan din ng husto ng ipapalit sa Maynilad at Manila Water ang pagsusuplay ng tubig.

 

Dagdag pa ng kongresista na noon pa ay tinututulan na nila ang pagsasapribado ng MWSS dahil pahihirapan nito ang publiko sa hindi na makontrol na pagtataas ng singil sa tubig.

Facebook Comments