Pinamamadali na ng mga ekonomista ang pagpasa ng mga panukalang batas na makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa kasunod ng naranasang COVID-19 pademic.
Sa interview ng RMN Manila sa economist na si Astro Del Castillo, nanawagan siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng special session ang Kongreso upang maipasa na ang mahahalagang panukalang batas para sa ekonomiya ng bansa.
Ilan sa mga nakabinbin pa rin sa Kongreso ang proposed ₱1.3 trillion Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) Bill para sa pagpapanatili ng trabaho ng mga manggagawa at operasyon ng mga maliliit na negosyo.
Aminado si Castillo na posibleng sa taong 2021 pa makakabangon ang ekonomiya ng bansa, batay na rin sa pagtataya ng World Bank.
Kaya sinabi ng ekonomista, na importante ang gagawing paraan ng gobyerno para gumanda ang lagay ng ekonomiya ng bansa.