Pagpasa sa panukalang 2020 nat’l budget, hindi made-delay

Nangako si Senate Finance Committee Chairperson Sonny Angara na hindi made-delay ang pagpasa ng panukalang 2020 national budget.

Ayon kay Angara – sisiguruhin nila na maipapasa ‘on-time’ ang panukala na dadaan muna sa mabusisi, tapat at makatotohanang budget hearing.

Aniya, umaasa ang mga senador na maisusumite ng Malacañan ang proposed 2020 budget sa Kongreso sa mga susunod na linggo.


Kabilang sa mga pagtutuunan ng pondo ay ang edukasyon, kalusugan, imprastraktura at rural development.

Sa ilalim ng batas, kailangang makapagpasa ang Pangulo ng national spending plan sa Kongreso sa loob ng 30 araw kasunod ng kanyang State of the Nation Address (SONA).

Tiwala ang Palasyo na hindi maantala ang 2020 national budget lalo na at dominante ang Senado at Kamara ng mga kaalyado ng Pangulo.

Facebook Comments