Pagpasa sa panukalang batas na pagbuo ng Magna Carta para sa Pilipinong seafarers, pinamamadali ni PBBM

Pinaaapura na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Senado ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong lumikha ng Magna Carta para sa mga Pilipinong seaman.

Sa isang pahinang liham para kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may petsang Setyembre 25, sinertipikahan ni Pangulong Marcos bilang urgent bill ang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Ginawa ang hakbang na ito ng pangulo matapos na rin ng banta ng European Union na ipagbabawal ang pagkuha ng mga marinong Pinoy hangga’t hindi sumusunod ang Pilipinas sa kanilang pamantayan.


Sinabi ng pangulo, ginagarantiya ng panukalang ito na tutugunan ang sinasabing kahinaan sa pagsasanay at edukasyon ng mga Pilipinong marino.

Matatandaang hinikayat ng EU ang gobyerno ng Pilipinas na tumalima sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers Convention (STCW) kung saan nagbabala pa itong hindi kikilalanin ang sertipikasyon na ibinibigay sa seafarers kung hindi aaksyunan ang usapin.

Facebook Comments