Pagpasa sa panukalang lilikha ng Water Department, malaking tulong sa food security ng bansa

Ikinatuwa ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang pagpasa ng House of Representatives sa third and final reading ng House Bill No. 9663 o panukalang paglikha ng Department of Water.

Bilang isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala ay tiwala si Lee na ang pagkakaroon ng national framework para sa water resource management ay makakatulong ng malaki sa food security ng bansa.

Binanggit ni Lee na ang United Nations na mismo ang nagsabi na ang tubig ay susi natin sa food security dahil ang kaayusan sa sektor ng agrikultura ay nakasalalay sa sapat na supply ng tubig.


Sabi ni Lee, ito ay dahil lubos na kailangan ng tubig ng mga pananim at alagang hayop upang maging masigla at lumaki nang maayos bukod sa kailangan din natin ng tubig upang makapaglinis at makapagluto ng pagkain.

Diin pa ni Lee, kapag natutukan at naayos ang supply ng tubig sa ating bansa ay mas makatutugon tayo sa epekto ng climate change at sa nakababahalang epekto rin ng epekto ng El Niño.

Facebook Comments