Pagpasa sa panukalang nagdedeklara sa Quiapo bilang heritage zone, muling inihirit ng isang kongresista kasabay ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong araw

Kasabay ng pagdiriwang sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong araw ay muling hinikayat ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang mga kasamahang mambabatas na ipasa ang panukalang nagdedeklara sa Quiapo bilang heritage zone.

Para kay Chua, unique o kakaiba ang Quiapo sa buong Pilipinas at sa buong mundo dahil salamin ito ng katatagan at maituturing na komunidad kung saan nagkakasama ang iba’t ibang klase ng pananampalataya at nagkakaroon ng koneksyon ang bawat isa sa ating lipunan.

Bunsod nito ay nananawagan din si Chua ng suporta para kilalanin ang Quiapo bilang UNESCO Heritage Site.


Kasama rin sa apela ni Chua na buhusan ng dagdag na pondo ang Quiapo para mapreserba ang heritage houses at historical structures nito laban sa pagkasira dulot ng mga kalamidad tulad ng lindol, pagbaha, at matinding polusyon.

Nais ni Chua na mailapat ang nararapat na transformation ng Quiapo para maging livable, walkable, bustling, at safe interfaith residential commercial district para sa mga responsableng residente at negosyante nito.

Facebook Comments