Pagpasa sa panukalang P200 increase sa daily minimum wage, simula pa lang ng pakikibaka para sa sapat na sahod

Ibinida ni Cavite 1st District Rep. Ramon Jolo B. Revilla III na isang malaking panalo para sa mga manggagawang Pilipino ang pagpasa ng Kamara sa panukalang ₱200 daily wage increase para sa mga manggagawa sa probadong sektor.

Ayon kay Revilla, ito ay pagkilala sa pagsusumikap at walang sawang sakripisyo ng bawat manggagawang Pilipino na siyang haligi ng ating ekonomiya.

Pero giit ni Revilla, na syang principal author ng panukalang batas, bagama’t tagumpay na maituturing ang pagpasa nito ay hindi pa dyan nagtatapos ang laban.

Pagtiyak ni Revilla, sa darating na 20th Congress ay tututukan talaga nito ang labor sector at sisiguruhing maisusulong ang mga panukalang batas na magiging kapakipakinabang sa mga manggagawa.

Matatandaang noong Pebrero 2024, ay naipasa na rin ng Senado ang katapat nitong panukala na ₱100 dagdag-sahod kaya inaasahang sasailalim sa bicameral conference committee ang dalawang bersyon ng panukala bago ito isumite sa Malacañang para sa lagda ng pangulo.

Facebook Comments