Manila, Philippines – Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa sa apat na panukalang batas sa kongreso at senado.
Sa nangyaring executive development advisory council meeting sa Malacañang, sinertipikahang urgent bill ng pangulo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at tax reform package law.
Kabilang din dito ang pagamiyenda sa government procurement act at pagbuo sa Department of Housing and Urban Development.
Nais ng pangulo na i-prayoridad ng kongreso ang pagpasa sa panukalang batas para agad na maging ganap na batas.
Facebook Comments