Manila, Philippines – Ipaprayoridad ng Kamara ang pagpasa sa mga tax revenue measures ng gobyerno bago 2020 proposed national budget.
Ayon kay House Speaker Alan Cayetano – hindi nila basta maipapasa ang budget kung wala namang pagkukunan ng sapat na pondo.
Target kasi ng gobyerno na kunin sa mga tax measures ang pondo para sa mga proyekto at programa ng pamahalaan para sa susunod na taon.
Kabilang rito ang pagpapataw ng mas mataas na excise tax rates sa alcohol at paglikha ng TRABAHO Bill.
Nauna namang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na target aprubahan ang 2020 national budget at mga tax reform bills sa October 5 o bago mag-session break ang mababang kapulungan.
Facebook Comments