Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na agad ipasa ang ikalawang package ng kanyang Comprehensive Tax Reform Program.
Ito ay ang Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities o TRABAHO Bill.
Ayon sa Pangulo – layunin nitong pondohan ang poverty reduction programs ng pamahalaan.
Gagawing time-bound, transparent, targeted, at performance-based ang tax incentives para sa mas competitive na fiscal system.
Sa ilalim din ng panukala, babawasan nito ang corporate income tax (CIT) rates sa 20% mula sa dating 30%.
Hinimok din ng Pangulo ang Kongreso na ipasa ang panukalang itaas ang buwis o excise tax sa tobacco at alcohol.
Ang iba pang tax reform packages ay: Package 2 plus – itataas ang share ng gobyerno mula sa mining operations, Package 3 – reporma sa property valuation system at package 4 – ang pag-rationalize sa capital income tax.