Pagpasabog sa isang bus sa Maguindanao kahapon, kinondena ng LTFRB

Kinukondena ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) ang nangyaring pagsabog sa isang pampasaherong bus sa Parang, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa naganap na pagsabog, apat na pasahero ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Sa ulat ng LTFRB, papuntang Pagadian City ang bus sakay ang 23 pasahero nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa likurang bahagi ng sasakyan.


Bago nangyari ang pagsabog, isang lalaki ang nakita sa CCTV, na bumaba ng bus na posibleng may kinalaman sa insidente.

Ikinalulungkot ng LTFRB ang nangyaring insidente lalo na’t naganap ito sa loob ng isang pampasaherong bus.

Samantala, nanawagan din ang ahensya sa mga bus operators at mga land transport teminal na higpitan ang kanilang seguridad at laging makipag-ugnayan sa mga otoridad.

Facebook Comments