Manila, Philippines – Welcome kay Interior Secretary Eduardo Año ang paghingi ng saklolo ng Alliance of Concerned Teachers sa Court of Appeals.
Sa iniharap nitong petisyon, hinihiling ng ACT sa Court of Appeals na magpalabas ito ng kautusan na ihinto ang intelligence gathering ng Philippine National Police sa kanilang mga miyembro na sinasabing may kaugnayan sa komunistang kilusan.
Gayunman, nanindigan si Año na walang nilalabag na karapatang pantao ng mga ACT members ang PNP.
Ani Año, ang intelligence gathering ay isang pangkaraniwang tungkulin ng mga law enforcement agencies.
Aniya, mismong si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison ang umangkin na legal front nila ang ACT.
Idinagdag ni Año mismong ang Supreme Court ang nagtakda sa mga inilabas nitong desisyon na ang right to privacy ay hindi absolute o ganap laluna kung nakikita ng estado na may kaakibat na itong banta sa pambansang seguridad.