Pagpaslang kay Adam Moraleta tututukan ng National Press Club

TututukanĀ  ng pamunuan ngĀ  National Press Club ang brutal na pagpaslang sa isang aktibong miyembro ng Media na si Adam Moraleta, na pinagbabaril noong June 6, 2019, malapit sa kanyang tahanan sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

 

Ayon kay NPC President Rolando Lakay Gonzalo masusing inaalam ng NPC kung mayroong kinalaman sa kanyang trabaho bilang isang Advertiser ang motibo ng pagpaslang kay Moraleta na bumibili lamang ng sigarilyo sa isang tindahan malapit sa kanyang bahay nang biglang lapitan ng hindi kilalang salarin at malapitang pinagbabaril na siyang ikinamatay nito noon din.

 

Magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang NPC upang malaman ang motibo ng pagpaslang kay Moraleta para mapanagot ang nasa likod ng nasabing pagpaslang.


 

Paliwanag ni Gonzalo aktibong miyembro ng NPC si Moraleta kaya lahat ng suporta ay maibibigay ng samahan sa kanya kayat walang dapat na ipangamba ang kanyang mga pamilya.

Facebook Comments