Pagpaslang kay Albarka Mayor Darussalam Lajid, kinondena ng Kamara

101

Mariing kinukundena ni Deputy Speaker Mujiv Hataman ang pagpatay kay Albarka Municipal Mayor Darussalam Lajid ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Zamboanga City.

Kasama sa mga nasawi sa pag-atake ang aide na si Barad Nuruddin habang sugatan at kritikal si Akbar Mayor Alih Salih at isa pang aide.

Giit ni Hataman, hindi man sila magkakapartido ng dalawang alkalde ay pareho naman silang mga Basileño na ang hangad din ay mabuti para sa kanilang lalawigan at mga kababayan.


Hindi lingid sa kaalaman ng marami ay matalik na kaibigan niya ang dalawang alkalde.

Kinalampag ng kongresista ang mga awtoridad na imbestigahang mabuti ang insidente at papanagutin sa batas ang mga responsable sa krimen.

Hangad din aniya nila ang agarang paggaling ng mga sugatan at agad na mabigyang hustisya ang mga biktima pati kanilang mga pamilya.



Facebook Comments