Pagpaslang kay Councilor Alfredo Alvarez ng Rizal, Cagayan, Kinondena ng PCL!

*Cagayan- *Kinondena ni Board Member Myla Ting-que, ang pinuno ng Philippine Councilors League (PCL) ng Cagayan ang pagpatay kay Councilor Alfredo Alvarez ng Rizal, Cagayan nito lamang nakaraang Linggo, Hulyo 29, 2018 sa kahabaan ng City Homes Road sa San Gabriel, Tuguegarao City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Board Member Myla Ting-que, nakakatakot at hindi na umano normal ang mga nangyayaring pagpatay ng mga riding-in-tandem sa mga konsehal sa kanilang lalawigan dahil sa sunod-sunod na pagkakapaslang ng mga pulitiko.

Aniya, Nararapat lamang umano na magsalita ang kanilang samahan upang kondenahin ang pagpaslang kay Councilor Alvarez dahil mayroon umano silang karapatan upang magsalita hinggil sa karumal-dumal na pagpatay sa kanilang mga kasama.


Hustisya naman ang panawagan ng pamilya ni Councilor Alvarez at nananawagan naman ang PCL sa mga kinauukulan upang maresolba agad ang mga ganitong uri ng krimen sa kanilang lugar.

Samantala, Isa sa kanilang ipapanukalang ordinansa ay ang pagmarka sa helmet at oplan visa ng mga motorista upang mas madaling makilala ang mga pumapasok na motorista sa kanilang lugar at para na rin sa kanilang sariling seguridad.

Facebook Comments