Pagpaslang kay NDFP consultant Randall Echanis, walang kaugnayan sa Anti-Terror Law ayon sa QCPD

Iginiit ng Quezon City Police District (QCPD) na walang kinalaman sa Anti-Terror Law ang pagpaslang kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Randall Echanis.

Ginawa ni QCPD Director Pol. Brig. Gen. Ronnie Montejo ang pahayag sa gitna ng pangamba ng mga militanteng grupo na nagsisimula nang maramdaman ang bagsik ng Anti-Terror law.

Ayon kay Montejo, isang common crime ang nangyari.


Posibleng akyat- bahay umano ang umatake sa apartment ni Echanis kung saan maaaring nanlaban ito kaya sinaksak.

Isa kasi sa natagpuang bangkay na may palo sa ulo ay may tattoo ng Sputnik gang.

Tiniyak pa ng QCPD director na protektado ang karapatang pantao sa ilalim ng Anti-Terror law.

Isa sa pangamba ng mga leftist groups ay ang magamit ang batas para patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno.

Facebook Comments